Manila, Philippines – Nanindigan si Presidential Communications Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na hindi siya magbibitiw sa puwesto.
Ito ang naging pahayag ni Andanar makaraang lumutang ang balitang ikinukonsidera ang dating brodkaster na si Jay Sonza na pumalit sa kaniyang puwesto.
Ayon kay Andanar, nagsisilbi sila sa pamahalaan batay na rin sa kagustuhan at tiwalang ibinibigay sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero, ipinauubaya niya sa Pangulo ang pagpapasya kung nais pa nitong manatili siya sa puwesto o kung papalitan na siya nito.
Sinasabing suportado daw ni Davao City Mayor at Presidential daughter Sarah Duterte-Carpio si Sonza para sa nasabing posisyon pero mariin naman itong itinanggi ng alkalde.
Facebook Comments