Nanindigan ang Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatutupad ang mandatory drug test sa lahat ng mga tauhan nito, maging sa mga matataas na opisyal.
Ito ay bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, magpapatuloy ang ‘one-strike policy’ sa mga opisyal at empleyaod na magpopositibo sa ilegal na droga.
Ang mga magpopositibo sa drug test, bibigyanng 15 araw para hamunin ang resulta ng confirmatory test.
Sakaling mabigo ang mga ito, mapapatawan ang mga ito ng kaukulang parusa.
Aniya, walang sasantuhin ang drug testing sa kagawaran.
Ang taunang mandatory drug testing ay sakop ang lahat ng DILG local government sector officials and employees kabilang ang mga personnel na sa ilalim ng job order at contract of service status.