NANINDIGAN | Sec. Diokno, iginiit na ‘adjustments’ ang idinagdag na pondo sa DPWH

Manila, Philippines – Nanindigan si Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno na hindi insertion kundi augmentation ang ginawa sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 2019 proposed national budget.

Ayon kay Diokno – dinagdagan ito ng 75 billion pesos para makamit ang 5% ng disbursement ng infrastructure ng Gross Domestic Product (GDP).

Normal aniya ang adjustment sa proseso ng paggawa ng budget.


Ang DBM aniya ang naghahanda sa general appropriations bill na maaring amyendahan ng Kamara.

Ang Senado naman ay maaring maghain ng sarili nitong mga amendment.

Nanindigan ang kalihim na walang pork barrel sa panukalang pondo.

Itinanggi rin ni Diokno na pinaboran niya ang mga proyekto sa Sorsogon kung saan balae niya sina Sorsogon Vice Governor Ester Hamor at Casiguran Mayor Edwin Hamor.

Facebook Comments