NANINDIGAN | Secretary Cayetano, pinabulaanang ginagamit ang posisyon para sa kanyang planong pagtakbo sa Presidential Election

Manila, Philippines – Tahasang pinabulaanan ni Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano na ginagamit lamang nya ang pwesto para sa maagang pamumulitika o publicity para sa presidential elections

Ayon kay Cayetano, trabaho lang at walang halong pulitika ang kanyang ginagawa

Paliwanag pa nito ginagawa lamang nya ang kanyang mandato at trabaho bilang isang public servant


Inihalimbawa pa nito ang sitwasyon ng ating mga kababayan sa Kuwait kung saan marami pa tayong mga OFW’s ang kinakailangang pauwiin at sagipin

Paliwanag pa nito hanggat maaari ayaw nyang magpa interview sa media pero mas mahalaga aniya na bigyan ng impormasyon ang publiko ukol sa mga aksyong ginagawa ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Facebook Comments