NANINDIGAN | Senador Gordon, iginiit ang pagiging independent ng PCGG

Manila, Philippines – Hindi pabor si Committee on Justice Chairman Senator Richard Gordon sa panukalang buwagin ang Presidential Commission on Good Government o PCGG at ilipat ang kapangyarihan nito sa Office of the Solicitor General o OSG.

Giit ni Gordon, dapat manatiling independent ang PCGG at huwag mapasailalim sa alinmang tanggapan tulad ng OSG.

Naniniwala din si Gordon na kapag natuloy ang balak sa PCGG ay tuluyan ng mababaon sa limot ang pagbawi sa umano ay ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.


Sa ilalabas na draft committee report ay plano pa ni Senador Gordon na isulong ang pagpapalakas sa PCGG sa pamamagitan ng paglalagay dito ng mas maraming abogado.

Facebook Comments