Manila, Philippines – Nanindigan ang Malacañang na dapat sumunod si Australian missionary na si Sister Patricia Fox sa deportation order na ilinabas ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maituturing itong batas kaya kailangang tumalima rito si Fox.
Binanggit ni Roque ang katagang: ‘Dura Lex, Sed Lex’ salitang latin na ibig sabihin ay ‘The law is harsh but it is the law’.
Inilabas ng BI ang deportation order dahil sa paglabag ni Fox sa mga inilatag na kondisyon sa kanyang missionary visa.
Inakusahan din si Fox na sumasama sa partisan political activities.
Facebook Comments