Amerika – Tiniyak ni President Donald Trump na wala siyang plano na gawing legal ang estado ng mga undocumented na batang immigrant sa Amerika.
Ayon kay Trump, walang deal na magaganap para sa mga tinatawag na Dreamers o mga batang dinala ng kanilang mga illegal alien na mga magulang at lumaki sa Amerika.
Taliwas ito sa programa ni dating US president Barack Obama na Deferred Action for Childhood Arrivals o DACA na ipinatupad noong 2012.
Sa ilalim ng DACA, binibigyan ng proteksiyon ang mga anak ng mga undocumented immigrants mula sa deportation at karapatang magtrabaho ng legal sa Amerika.
Pero giit ni Trump nagiging mapanganib na sa US ang patuloy na pagdagsa ng mga illegal alien sa kanilang bansa at dapat lamang bawiin ang programang ito.
Facebook Comments