Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na nananinindigan ang Department of Budget and Management at Department of Finance na isulong ang proposed 2019 National Budget kung saan gagamitin ang Cash Based Budgeting.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ito ay sa harap narin ng naging pulong ni Pangulong Dutere sa liderato ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na tumututol sa isinusulong ng executive department.
Sinabi ni Roque na matapos ang pulong ng Pangulo sa liderato ng Kamara ay sinabi nito na kakausapin niya sina Budget Secretary Benjamin Diokno at Finance Secretary Carlos Sonny Dominguez upang talakayin ang posibleng compromise sa issue ng 2019 national budget.
Sa ngayon aniya ay pinupulong ni Executive Secretary Salvador Medialdea sina Dominguez at Diokno pero hindi pa niya masabi kung ano ang magiging resulta nito.
Kaya naman sinabi ni Roque na naninindigan ang parin ang Economic Managers ng Pangulo sa cash based budgeting pero dapat paring hintayin ang magiging resulta ng pulong ngayon dito sa malacanang para malaman kung magkakaroon ng pagbabago.