Manila, Philippines – Naniniwala ang Australian missionary nun na si Patricia Fox na maituturing pag-atake sa simbahan ang ginagawang pag-atake sa kanya.
Ayon kay Fox, ang atake sa kanya ay tila pag-atake na rin sa buong simbahan, foreign missionaries at human rights workers.
Umaasa si Fox na mabibigyan siya ng due process para maipaliwanag niya ang trabaho ng pagiging isang misyonaryo.
Mahihirapan aniya siya na maipagpatuloy ang kanyang trabaho bilang ‘tourist’.
Nabatid na matapos kansehalin ng Bureau of Immigration (BI) ang kanyang missionary visa ay nilinaw nito na maari pa rin makabalik si Fox sa Pilipinas bilang turista.
Facebook Comments