Manila, Philippines – Naniniwala si dating Solicitor General Florin Hilbay na maaring magsilbi ang bagong Supreme Court Chief Justice na si Teresita de Castro bilang transition head.
Aabot na lamang kasi sa halos dalawang buwan ang nalalabing termino ni de Castro.
Ayon kay Hilbay – limitado na lang ang magagawa ni de Castro at wala na ring panahon para magtalaga ng mga reporma sa Korte Suprema.
Aniya, ang tanging magagawa ni de Castro sa huling dalawang buwan nito ay malatag kung anong istruktura ng reporma ang kanyang gustong mangyari.
Depende rin kung susundin ng susunod sa kanya ang mga inilatag nitong plataporma.
Ang appointment ni de Castro ay maituturing na reward dahil sa partisipasyon nito sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan quo warranto proceedings.