Manila, Philippines – Iginagalang ng Constitutional Commission ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutukan muna ng gobyerno ang problema ng sumisipang inflation o ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sa bansa.
Gayunman, naniniwala si Ding Generoso, spokesperson ng ConCom na hindi nangangahulugan na aabandonahin ng Pangulo ang Federalism.
Tinukoy ni Generoso ang binanggit sa SONa ni Duterte na kumpiyansa siya na susuportahan ng publiko ang Federalism sa sandaling dalhin na ito sa isang pagpapasiya sa isang plebesito.
Nagtitiwala sila sa pangulo na naghahanap lamang ng tamang pagkakataon.
Sa katunayan, si Pangulong Duterte ang mangunguna sa mas mahabang panajon na information drive patungkol sa federalism na ikinakasa sa kanayunan.
Habang abala ang gobyeeno sa concerns ng ekonomiya, magiikot muna sa bawat rehiyon ang mga miyembro ng Concom para magpaliwanag sa kahalagahan ng Federalism.
May Task force ng binuo para rito na lalahukan ng DILG at PCOO.