Manila Philippines – Naniniwala si dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na maituturing pa ring victory ang desisyon ng en banc na nagpapatalsik sa kaniya sa pwesto.
Ayon kay Sereno, kung nag-inhibit lang ang anim sa walong mahistrado pumabor sa quo warranto ay mababasura dapat ang petisyon.
Bagaman tanggap ang desisyon, giit ni Sereno naniniwala pa rin siyang may kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatalsik sa kaniya sa pwesto.
Kasabay nito, inamin naman ni Sereno na may mga alok sa kaniya na mag-ayos ng pulong sa pagitan niya at ng Pangulo pero hindi niya ito kinagat.
Sinabi pa ng dating punong mahistrado na kahit wala na siya sa pwesto ay itutuloy pa rin niya ang public service at adbokasiyang tumindig laban sa kawalan ng katarungan.