NANINIWALA | Kasong inihain laban kay Andaya, bahagi ng demolition job ng mga kalaban

Manila, Philippines – Naniniwala si House Majority Leader Rolando Andaya Jr., na demolition job ang kasong inihain sa kanya sa Ombudsman ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) dahil umano sa hindi pagdedeklara ng tama sa kanilang ari-arian.

Ayon kay Andaya, ginagastusan ng mga kalaban niya sa pulitika ang pagpapabagsak sa kanya.

Layon nitong sirain siya dahil sa intensiyon niyang tumakbo sa pagka-gobernador ng Camarines Sur.


Hangad umano ng kanyang katunggali sa pulitika na manatili ang kontrol sa kanilang lalawigan kaya kung anu-anong kasinungalingan ang pinakakalat na isyu laban sa kanya.

Aminado si Andaya na masama ang kanyang loob sa grupo nila Greco Belgica ng PACC dahil hindi kinuha ang kanyang panig sa ginawang imbestigasyon.

Mas pinili din umano ng grupo ni Belgica na maghangad ng publicity o kaya naman ay maaaring biktima lamang din ito ng paninira sa kanya.

Hinamon naman ni Andaya si Belgica na magsagawa din ng lifestyle check sa ibang pulitiko at huwag lamang siya ang sini-single out dito.

Facebook Comments