NANINIWALA | National ID System Act malaki ang magiging benepisyo sa taumbayan – Malacañang

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na epektibong panglaban sa red tape sa gobyerno ang lalagdaang Philippine Identification System Act na gagawin ngayong araw na ito sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa pamamagitan ng batas na ito ay hindi na kailangan pang mag presenta ng isang Pilipino ng madaming identification cards para makipag transaksyon sa pamahalaan at maging sa pribadong transaksyon.

Sinabi din ni Roque na isa din itong epektibong panglaban sa identity theft kung saan maraming Pilipino ang nabibiktima.


Ayon naman sa Philippine National Police (PNP) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay isa itong epektibong panlaban sa krimenalidad at terorismo.
Mamayang hapon isasagawa ang ceremonial signing ng National ID System Act matapos ang ceremonial signing ng Bangsamoro Organic Law o BOL.

Facebook Comments