Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na malaki ang maiaambag ni Justice Samuel Martires sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban sa katiwalian sa pamahalaan.
Matatandaan na si Martires ang itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong Ombudsman kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nagretiro na.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mahalaga na ang mga itinatalaga ni Pangulong Duterte sa mga matataas na posisyon sa gobyerno ay walang bahid ng eskandalo at anumang iregularidad.
Ganito aniya si Martires dahil bukos sa walang mantsa ng anomalya ay hindi rin naman matatawaran ang pagiging bihasa sa batas.
Sa hanay aniya nila na nasa law profession ay ikinilalang legal luminary so justice martires.
Matatandaang si Martires ay itinalaga din ni Pangulong Duterte sa Korte Suprema noong nakaraang taon bago italaga naman bilang Ombudsman.