Manila, Philippines – Naniniwala si Philhealth Interem Officer In Charge (OIC) President and CEO Dr. Celestina Maria Jude Dela Serna na mayroong nasa likod ng pagpapalutang ng di umano ay irregular disbursement ng Philhealth.
Sa ginanap na Presscon ng PhilHealth sa Pasig City sinabi ni Dela Serna na walang nagalaw sa pondo ng mga miyembro ng Philhealth kayat walang dapat aniya ipangamba ang mga miyembro nito.
Paliwanag ni Dela Serna ang binabanggit na ulat ng rappler na umaabot sa mahigit 600 libong piso na ibat ibang travel expenses para dumalo sa mga meetings sa pamamagitan ng teleconferencing/videoconferencing ay naaayon aniya sa batas at dumaan sa kanilang Board.
Sa usapin naman na walang pambayad ang PhilHealth sa mga hospital walang dapat ipangamba aniya ang mga miyembro sa mga kumakalat na wala pambayad ang Philhealth sa mga hospital na accredited ng ahensiya dahil mayroon naman pambayad ang Philhealth at pinoproseso lang nila ang mga bayarin ng mga pasyente na naka confined sa mga iba’t ibang hospital.
Giit ng opisyal sinusunod lamang nito ang marching order ni pangulong Duterte na walang kurapsyon kaya mahigpit niyang ipinatutupad ang mga kautusan ng pangulo na sa tingin nito ay marami siyang nasasagasaan sa loob ng PhilHealth matapos na magpatupad siya ng balasahan sa naturang ahensiya.