NANINIWALA | PDP-Laban, planong patatagin muli ang relasyon ng Pilipinas sa North Korea

Manila, Philippines – Naniniwala ang partido demokratikong Pilipino – lakas ng Bayan o PDP-Laban na panahon para magtatag ng relasyon ang Pilipinas sa North Korea.

Ayon kay PDP-Laban Vice Chairman, Energy Sec. Alfonso Cusi – ito ang tamang panahon na payabungin ng Pilipinas ang ugnayan nito sa mga kapitbahay nitong bansa sa Asya.

Aniya, bilang bahagi ng independent foreign policy, hindi dapat nag-aalangan ang Pilipinas na pagtibayin muli ang relasyon nito sa mga bansa tulad ng North Korea.


Dagdag pa ni Cusi – magpapadala ang PDP-Laban ng delegasyon sa Pyongyang.

Ang delegasyon ay pangungunahan ni PDP-laban Vice President for International Affairs Raul Lambino.

Ang Pilipinas at North Korea ay unang itanatag ang kanilang formal relations noong July 12, 2000.

Una nang nakapagbuo ng relasyon ang PDP-Laban sa Communist Party of China at United Russia sa ilalim ng Duterte Administration.

Facebook Comments