NANINIWALA | Posibilidad ng maagang pagbubukas ng Boracay, kayang gawin – DENR

Manila, Philippines – Naniniwala ang Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) na kayang buksan ng maaga ang boracay kung makikipagtulungan lang ang mga establisyimento at negosyo sa rehabilitasyon ng isla.

Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu – pwedeng maging mas maaga pa sa oktubre ang re-opening ng boracay kung ipapaabot lamang nila ang kanilang kooperasyon.

Muli ring iginiit ng kalihim na lahat ng establisyimento sa paligid ng white beach ay magtayo ng kanilang sewage treatment plants.


Nagbabala rin ang DENR na papatawan ng notice of violation ang mga establisyimento na naglalagay ng electrical wires sa mga puno ng niyog.

Facebook Comments