NANINIWALA | Sen. Koko Pimentel, tiwalang 3 pangako na lamang ng Duterte Administration ang hindi natutupad

Manila, Philippines – Naniniwala si Senador Koko Pimentel na tatlong pangako na lamang ang hindi pa naisasakatuparan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pimentel – halos lahat na ng pangako o programa ng gobyerno ng Duterte Administration ay natupad na.

Pero aminado ang Senador na may ilan pa ang hindi natutupad.


Bagamat hindi tinukoy kung ano ang mga pangako, kumpiyansa si Pimentel na matutupad pa ang ito bago matapos ang termino ng Pangulo.

Bilang Presidente ng PDP-Laban, binigyan ni Pimentel ng outstanding score si Pangulong Duterte lalo na sa pagpapatupad ng batas at kaayusan.

Facebook Comments