NANLABAN | 1 patay, habang 6 ang arestado sa buy-bust operation sa Lucena

Lucena – Patay ang isang drug suspect sa buy-bust operation ng pulisya sa isang drug den sa Lucena City.

Alas-6 kaninang umaga nang salakayin ng Lucena City Police Station ang drug den sa Bangkusay, Barangay Dalahican.

Bigla umanong nanlaban ang mga suspek nang maramdamang pulis ang kanilang ka-transaksyon.


Nasawi sa operasyon si George Marcon habang naaresto sina Mary Ann Magpantay, Jomar Bautista, Jhomark Rima, Renato Tianela, Benji Leona at Edgar Arcilla.

Nakatakas naman si Manuel Magpantay Alyas “Fruitcake”.

Narekober sa crime scene ang isang revolver na baril, drug paraphernalia at mga hinihinalang shabu.

Facebook Comments