Bulacan – Sampung katao ang patay sa magkahiwalay na operasyon sa iba’t ibang bayan sa Bulacan mula Martes ng gabi hanggang Miyerkoles ng madaling-araw.
Tatlong holdaper ang napatay sa Bypass Road, Barangay Caingin, San Rafael kung saan isang convenience store ang tinangayan ng mga ito ng P25,000 peso at mga cellphone.
Napatay naman sa bayan ng Pulilan ang isang alyas Ogag nang manlaban sa buy-bust operation habang sa Poblacion, Baliuag ay napatay din ang isang drug pusher nang manlaban din sa mga pulis.
Nakabarilan din ng mga pulis sa obando ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa buy-bust operation sa Barangay Tawiran.
Sa barangay Santisima Trinidad, Malolos City, naka-engkuwentro at napatay ng mga pulis sa isang bahay si alyas Alden na drug pusher at sangkot sa panghoholdap.
Isang lalaki na nagnanakaw sa mga bahay sa isang subdivision sa Barangay Longos sa Malolos City ang napatay habang nakatakas naman ang dalawa niyang kasamahan.
At sa San Jose Del Monte, dalawang carnapper ang napatay sa operasyon ng Highway Patrol Group (HPG) kung saan sangkot din ang mga suspek sa illegal drugs.