NANLABAN | 2 hinihinalang drug pusher patay sa engkwentro sa Maynila

20

Manila, Philippines – Patay ang dalawang hinihinalang tulak sa ilegal na droga matapos na manlaban sa isinagawang buy-bust operation ng at MPD Station 1 sa Herbosa Street sa kanto ng Carlos P. Garcia Street Tondo Manila.

Ayon kay Police Chief Inspector Nino Lope ng CIDG-Manila nagsagawa sila ng buy-bust operation katuwang ang mga operatiba ng Police Station-1 sa Herbosa Street nang matunugan ng mga suspek ang kanilang katransaksyon ay mga pulis kaya at agad na bumunot ng baril at pinaputukan ang mga alagad ng batas pero gumanti rin ng putok ang mga pulis na nagresulta ng agarang kamatayan ng mga suspek na nakilala lamang ng Buboy tinatayang may edad na 35-40 anyos, mahaba ang buhok may taas na 5’4 feet ,medium built, nakasuot ng itim na long sleeves, at habang ang isang kasamahan nito ay may taas na 5’3 feet ang height, 35-40 years old, nakasuot ng face mask, blue t-shirt, at white short.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga baril, motorsiklo at shabu paraphernalias.

Facebook Comments