NANLABAN | 2 napatay sa engkwentro sa Pasig, mga notoryus na drug pushers

Manila, Philippines – Nasa drug watchlist at kilalang notoryus na tulak ng ilegal na droga ang dalawang napatay matapos makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Pasig City PNP sa West Bank Road Barangay Manggahan Pasig kaninang madaling araw.

Ayon kay Police S/Supt. Orlando Yebra Hepe ng Pasig City Police, isang buy bust operation ang ikinasa ng kanyang mga tauhan pero nakatunog ang mga suspek na sina Kimron Fontejon alyas Kim at hindi pa nakikilalang kasamahan na sakay ng isang motorsiklo.

Ayon pa kay Col. Yebra, sangkot din si Fontejon sa serye ng pangho-holdap sa lugar.


Bukod sa sampung sachet ng hinihinalang shabu na nasamsam sa mga drug suspect nakuha din sa dalawa ang isang caliber 45 at caliber 38 na baril.

Facebook Comments