Quezon City – Patay ang dalawang riding in tandem criminal matapos manlaban sa mga operatiba ng Police Station 4 ng QCPD sa Barangay San Agustin Quezon City.
Ayon kay Police Inspector Roger Molino ng Police Station 4 , bandang 2:45 am nang umatake ang dalawang holdaper sa outlet ng Burger Machine sa kahabaan ng Gen. Luis Nova, Quezon City.
Matapos limasin ang P1,500 cash, mga cellphones at iba pang mga personal na gamit ng mga empleyado, mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.
Agad na nagreklamo ang mga biktima sa Police Station 4 Novaliches na agad nagkasa ng follow up operation.
Positibo namang kinilala ng mga biktima ang mga suspek na silang humoldap sa kanila.
Nang mamataan ang mga suspek sa Elgine Street, Intervill Subdivision, Barangay San Agustin. Quezon City, biglang nagpaputok ang mga suspek .
Dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis na nagbunsod sa pagkasawi ng mga hindi pa nakikilang mga suspek.
Narekober sa crime scene ang dalawang caliber 38 at ang gamit nilang motorsiklo.