NANLABAN | 2 patay sa magkakahiwalay na police operation sa Las Piñas at Maynila

Patay ang isang miyembro ng kilabot na akyat-bahay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Las Piñas City.

Nakilala lamang sa alyas na Papa Jack ang nasawing suspek kung saan na-recover sa kaniya ang isang kalibre .45 na baril at isang pakete ng shabu.

Nabatid na nagpapatrolya ang mga pulis sa CAA/BFI Las Piñas nang makasagupa nila ang suspek.


Matapos makita ang mga pulis bigla nalamang siyang nagpaputok at sa pagganti ng mga otoridad ay napatay nila ang suspek

Samantala, napatay naman ang isang Jeric Topacio sa ikinasang buy-bust operation sa Gawad Kalinga, Barangay 105, Tondo, Maynila.

Nakipagbarilan din ang suspek sa mga pulis kaya ito napatay at nakuha sa kaniya ang isang baril at dalawang sachet ng shabu.

Facebook Comments