NANLABAN | 2 suspected holdaper patay sa shootout sa Olongapo

Olongapo City – Patay ang dalawang lalaki na di umano ay suspek sa hinihinalang robbery hold-up kaninang pasado alas kwatro kwarenta ng madaling araw sa Olongapo City.

Ayon sa biktima ng holdap nakahinto umano siya at nagtetext sakay ng kanyang motorsiklo sa may bahagi ng Sta. Rita nang hintuan ng tatlong lalaki sakay ng isang motorsiklo.

Tinutukan umano siya ng baril, kinuha ang ilan niyang gamit pati na ang kanyang motorsiklo.


Agad nag-report sa PNP Station 5 ang biktima, ayon kay Police Senior Inspector Jerry Abaigar, station commander ng Station 5 nakita ng nagpapatrolyang pulis ang dalawang tao sakay ng motorsiklong hinihinalang pag-aari ng biktima kaya sinita ang mga ito at hinabol subalit nang pabalik na ay nagpaputok umano ang dalawa at tinamaan pa ang isang pulis at maswerteng naka bullet proof vest ito at ang mobile car ng PNP.

Dito na nasawi ang dalawang suspek sa may bahagi na ng memorial at inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Samantala, kinumpirma naman umano ng biktima na kanya nga ang motorsiklo sa crime scene katabi ng mga bangkay ng biktima.

Facebook Comments