NANLABAN | 4 na miyembro ng criminal gang patay sa shootout sa Zamboanga del Sur

Zamboanga del Sur – Nasawi ang apat na miyembro ng criminal gang matapos makipagbarilan sa mga pulis sa kanilang ikinasang enforcement operation sa Purok 4, Barangay Cumarom, Midsalip, Zamboanga del Sur.

Sa ulat ni PNP Region 9 Spokesperson Police Chief Inspector Helen Galvez sa bisa ng warrant of arrest laban kina Ramon Bantayan at Rondi Bantayan kapwa most wanted person sa Zamboanga del Sur

Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Regional Intelligence  Division 9, Regional Special Operation Group 9-Task Force Tugis, Regional Mobile Force Battalion 9 at Midsalip Municipal Police Station ang kinaroroonan ng mga suspek.


Pero nakatunog agad ang mga suspek sa presenya ng mga pulis at nang makita ang mga pulis ay agad silang nagpaputok.

Nasawi agad sa shootout sina Ramon Bantayan at Rondi Bantayan habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawing suspek.

Ang grupo nila ay responsable sa mga nangyayaring pamamaril  sa mga lugar sa Zamboanga del Sur.

Narekober sa kanilang pag-iingat ang ilang improvised shotguns o paltik, isang caliber .45 pistols, ibat-ibang ammunitions kabilang pa ang mga bladed weapons.


Facebook Comments