NANLABAN | Buy bust operasyon sa Quezon City nauwi sa barilan, isa patay

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang drug pusher matapos manlaban sa kinasang buy bust operation sa Molave Street Barangay Payatas B. Quezon City alas kwatro ng madaling araw

Kinilala lamang ang suspek na si alyas Muslim.

Ayon kay PCI Sandie Caparroso ang hepe ng station drug enforcement unit ng QCPD Station 6, 2 libong piso ng iligal na droga ang ibinenta ng suspek sa operatiba


Nang maiabot na ang mark money at papaalis na sana napansin ni alyas Muslim na may mga pulis sa paligid

Dito na siya nagpaputok ng baril habang tumatakas pero sa palitan ng putok tinamaan siya ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan na nag resulta sa agaran nyang pag kamatay

Nakatakas naman ang kasabwat nito na naka sakay sa motorsiklo.
Na-videohan ang nasabing insidente kung saan maririnig din ang sunod-sunod na putok ng baril.

Kasalukuyang pinoproseso ng SOCO ang crime scene at makikita sa tabi ng suspek ang isang kalibre 38 na baril.

Facebook Comments