NANLABAN | Dalawa patay sa buy-bust operation sa Quezon City

Manila, Philippines – Patay ang dalawang lalaki matapos mauwi sa engkwentro buy-bust operation ng QCPD Station 10 sa Montana Street, Aurora Boulevard Service Road, Quezon City.

Kinilala lamang ang mga nasawing suspek sa alyas Toto at Ariel.

Ayon kay QCPD Station 10 Commander Police Superintendent Ariel Capocao, isang linggong isinailalim sa surveillance ng mga pulis sa mga suspek.


Talamak na tulak aniya ng droga ang mga ito at konektado sa mga dati ng naarestong drug suspek sa Monte de Piedad.

Sinabi ni Capocao, nakabili ng P1,000 na halaga ng shabu ang poseur buyer sa mga suspek.

Pero nakatunog aniya ang mga suspek na pulis pala ang kanilang katransaksyon kaya nauwi sa palitan ng putok ang operasyon.

Narekober sa encounter scene ang dalawang kalibre .38, ilang sachet ng shabu at buy-bust money.

Facebook Comments