Negros Occidental – Dalawa ang patay at ang isa ang sugatan sa mga holdaper matapos nakipagbarilan sa mga pulis.
Kinilala ang mga namatay na sina Edgar Recana 27 anyos ng General Santos City, South Cotabato at Jay-R Sta. Ana 30 anyos ng PRK Dos Magallon Cadre Moises Padilla samantala kinilala ang sugatan na si Garnel Solibada 26 anyos ng Davao Oriental.
Ayun sa Chief of Police ng La Castellana PNP Police Superintendent Erma Tiocson , pasado alas dos kahapon ng hapon ng hinoldap ng mga suspek ang driver-kolektor ng isang feeds deliver trak at kinuha ang 190k pesos na koleksyon nito.
Kaagad naman naka responde ang mga pulis pero nakipagbarilan ang nga suspek.
Na-recover ng otoridad ang isang cal 45 pistol at isang 357 revolver at nabawi at hinoldap nilang pera.