NANLABAN | Dalawang suspek sa pagnanakaw patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Laguna

Laguna – Napatay ang dalawang suspek sa pagnanakaw at pamamaril matapos na manlaban sa mga rumespunding pulis sa Barangay San Antonio, Binan City, Laguna kaninang madaling araw

Ayon kay PNP Calabarzon Spokesperson Superintendent Chitadel Gaoiran alas 3:30 ng madaling araw kanina nang mangyari ang engkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng Biñan City Police Station at mga suspek.

Ngunit bago ito nagnakaw at namaril ang mga suspek sa Bingo Tsunami, Barangay Canlalay, Biñan City, Laguna dahilan para rumesponde ang mga pulis.


Nakuha ng pulisya sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang unit ng revolvers nang di matukoy na armas, mga bala at motorsiklo.

Facebook Comments