NANLABAN | Drug suspects, patay sa police operation sa Gensan

General Santos – Patay ang dalawang drug suspects matapos pumalag sa police operation sa Barangay Baluan, Gensan.

Unang pinasok ang bahay ng target na si Antonio Villaplana Jr. kung saan napatay ito matapos na manlaban.

Narekober sa kaniyang bahay ang isang 38 revolver na may lamang mga bala at tatlong sachet ng shabu.


Sunod na pinasok ang bahay ng isang rowel magaway na pumalag sa pag-aresto ng mga pulis kaya’t napatay ito.

Narekober din sa kaniyang bahay ang isang caliber 45 pistol, mga bala at ilang sachet ng shabu.

Facebook Comments