Maguindanao – Dead on arrival sa pagamutan ang isang drug suspek matapos na mabaril ng mga pulis nang manlaban sa kanilang isinagawang police operation sa Talitay Maguindanao.
Kinilala itong si Maguid Sinduan alyas kagawad, 33 anyos may asawa, walang trabaho at residente ng Barangay Kiladap,Talitay, Maguindanao.
Ayon kay PNP ARMM Spokesperson Police Senior Inspector Jemar Delos Santos isisilbi sana ng mga pulis ang search warrant na laban sa suspek dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga at pagtatago ng mga matataas na kalibre ng armas pero sa halip na makipagtulungan ay nanlaban pa ito.
Nakuha sa kanyang pagiingat ang m203, 40mm grenade launcher; isang kalibre 45 baril na may 8 rounds of ammunition, isang unit ng caliber 9mm na may 11 live ammos at isang magazine, 18 sachets ng shabu na aabot sa 190 na gramo at drug paraphernalia.
Sa ngayon nasa kustodiya na ito ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) ARMM.
Apela naman ni PNP ARMM Regional Director Police Chief Superintendent Graciano Mijares sa publiko na isuko na ang mga itinatagong mga baril na walang lisensya at kung sangkot sa transaksyon ng iligal na droga ay sumuko na.