NANLABAN | Holdaper patay matapos makipagbarilan sa mga pulis-Pasay

Pasay City – Patay ang isang holdaper makaraang mahabol at makipagbarilan sa mga pulis.

Ayon sa Pasay PNP, dakong alas sinco y medya ng madaling araw kanina nang holdapin ng 2 lalaki na sakay ng tricycle ang isang babae sa FB Harisson Street corner Libertad area.

Agad nagsumbong ang biktima sa mga pulis at nagkasa ng follow up operation.


Sa nasabing operasyon, nakita ng mga otoridad ang mga suspek sakay ng naturang tricycle.

Dito na hinabol ng mga pulis Pasay ang dalawang holdaper at pagdating sa panulukan ng Park Avenue at Loring Street malapit na sa Edsa extension nakipagpalitan ng putok ang mga suspek sa mga pulis.

Dead on the spot ang isa sa mga suspek habang ang isa naman ay nakatakas.

Sa ngayon ipinoproseso na ng SOCO ang mga labi ng di pa tukoy na holdaper.

Facebook Comments