NANLABAN | Holdaper, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Sampaloc, Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang hindi pa nakikilalang holdaper matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa Sampaloc, Maynila.

Sa ulat, hinoldap ng suspek ang isang meat shop sa may Concepcion Street kung saan natangay nito ang P4,000.00 na kita ng tindahan.

Tiyempo naman na kumakain sa isang karinderya ang ilang tauhan ng PMD-CIDU sa pangunguna ni Chief Police Senior Inspector Jake Arcilla kaya at kanilang hinarang ang suspek sa Dapitan Street pero bumunot ito ng baril at nagpaputok saka mabilis na tumakbo.


Nakorner ng mga otoridad ang suspek sa Alfredo Street at Siton na nila ito napatay.

Nabawi sa pag-iingat ng suspek ang isang calibre .38 na baril at ang perang kinita ng hinoldap nitong tindahan habang inaalam na ng pulisa ang pagkakakilanlan nito.

Facebook Comments