Nanlaban I Pusher, patay matapos umano manlaban sa buy bust operation sa Sta. Maria Bulacan

Bulacan – Patay ang isang drug suspect matapos umanong manlaban sa mga pulis sa ikinasang drug buy bust operation sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sta. Maria sa Bulacan.

Ayon sa Sta. Maria Police, bumili ang pulis na nagpanggap na buyer sa suspek na kinilala lamang na si ‘alyas manok’ ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng limandaang piso.

Nang aktong huhulihin na ang suspek ay bigla umano itong bumunot ng baril at pinaputukan ang pulis na katransaksyon.


Dahil dito napilitang gumanti ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ni alyas manok.

Samantala, hindi natamaan ang pulis na pinaputukan ni alyas manok.

Facebook Comments