NANLABAN | Isa patay sa drug operation sa QC

40

Quezon City – Binawian ang isang drug suspek makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa Villareal Street Barangay Gulod Novaliches Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Cesar Arive Jr. alyas Lupin na bukod sa shabu notorious din umano na magnanakaw.

Ayon kay QCPD Station 4 Superintendent Rossel Cejas nakipagkita ang suspek sa Villareal Street para ibenta ang shabu.

Sa operasyon nakahalata ang suspek sa presensya na mga pulis kaya at nagpaputok ito.

Nakuha ang sling bag na may lamang pakete ng pinaniniwalaang shabu at isang kalibre 38 na baril.

Todo tanggi naman ang tsuhin na nagpunta sa crime scene na sangkot sa bawal na gamot ang suspek gayunman ayon sa barangay pasok sa drugs watchlist si Cesar Arive Jr.

Facebook Comments