NANLABAN | Isa sa mga most wanted person sa Bohol, patay matapos manlaban sa mga otoridad

Bohol – Patay ang isang most wanted person matapos manlaban sa mga otoridad sa Bohol.
Nakilala ang nasawing suspek na si Emigdio Aparece.
Sa ulat, sa halip na sumuko, nakipagbarilan si Aparace sa mga swat team na aaresto sana sa kanya sa Sitio Sta Ana, Barangay Conception, Danao, Bohol.
Dito na nagpaputok ng baril ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.
Si Aparece ay sinasabing leader rin ng Aparece criminal gang at sangkaterba ang kinakaharap na patung-patong na kaso.

Facebook Comments