NANLABAN | Isa sa mga presong tumakas sa Bacoor City Jail, napatay sa engkwentro

Cavite – Napatay ng mga pulis ang isa sa mga presong tumakas sa Bacoor City Jail sa Cavite.

Ayon kay Regional Police Spokesperson Supt. Chitadel Gaoiran, kinilala ang preso na si Marcelo Ruiz na isa sa 23 presong nakatakas sa kulungan noong July 27, 2018.

Aniya, namataan ng mga pulis si Ruiz sa Barangay San Nicolas 3.


Pero imbis na sumuko, nagpaputok aniya ng baril si Ruiz dahilan para gumanti ng putok ng baril ang mga otoridad.

Si Ruiz ay naaresto noong July 6 dahil sa kasong paglabag na may kinalaman sa ilegal na droga.

Matatandaang namatay din sa engkwentro ang isa pang nakatakas na preso na si Michael Salac sa Barangay Molino 4 habang naibalik naman sa piitan ang 17 preso.

Facebook Comments