NANLABAN | Isang akyat-bahay, sawi matapos makipagbarilan sa mga pulis sa QC

51

Quezon City – Patay ang isang akyat-bahay gang matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Quezon City.

Kinilala ang nasawing suspek na si Rolando Guanzon habang nakatakas naman ang dalawang kasama nito na hindi pa nakikilala at kasalukuyan pinaghahanap.


Sa ulat, nagsagawa ng surveillance operation ang mga puis matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang informer na nanakawan ng mga suspek ang isang establisyimento sa Miller Street, Barangay Bungad.

Namataan nila ang mga suspek na sinisira ang kandado ng isang gate kaya at sinita nila ang mga ito kung saan agad na tumakas ang dalawa sakay ng motorsiklo.

Naiwan naman ang isa sa mga suspek sa lugar at sa halip na sumuko agad itong bumunot ng baril at nakipagbarilan ang mga pulis na nagresulta ng kanyang pagkasawi.

Facebook Comments

From Advertisers