NANLABAN | Isang drug suspek, patay matapos manlaban sa buy-bust operation sa Caloocan

Caloocan City – Dead on the spot ang isang suspek matapos manlaban sa ikinasang drug operation sa Bagong Silang, Caloocan City.

Nakilala ang nasawing suspek na si Gilbert Nicolas kung saan mas ginusto pa nitong lumaban kesa sumuko sa mga otoridad.

Naganap ang insidente sa mismong bahay ni Nicolas makaraang tumakbo ito matapos na makatunog na pulis pala ang napag-bentahan niya ng P500.00 na halaga ng shabu.


Binigyan pa ng pagkakataon ang suspek na sumuko pero nagpaputok ito ng baril dahilan para gumanti ang mga pulis kaya siya napatay.

Facebook Comments