NANLABAN | Isang holdaper, patay matapos makipagbarilan sa Quezon City

Manila, Philippines – Patay ang isang holdaper matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay. Siena, Quezon City.

Wala pang pagkakakilanlan ang suspek na nakasuot ng itim na t-shirt, itim na shorts at tsinelas.

Ayon kay QCPD station 1 Commander Police Superintendent. Robert Sales, tinapatan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang biktima sa Banawe Street saka ito tinutukan ng baril sabay hablot ng wallet.


Lumapit ang biktima sa mga pulis na nagpapatrolya na tumawag naman sa istasyon para sa follow-up operation.

Nang makita ng mga suspek ang mga pulis agad silang nagpaputok ng baril kaya at gumanti ang mga otoridad na naging resulta sa pagkamatay ng isa sa mga ito habang nakatakas ang nagmamaneho ng motorsiklo.

Facebook Comments