Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang lalaki matapos manlaban sa ikinasang buy-bust operation sa Parola Compound, Tondo, Maynila.
Kinilala ang napatay na suspek na si JC Castro na mas kilala sa alyas “Kamatayan” na isang supplier ng shabu sa lugar.
Sa ulat, nakabili ng P500.00 na halaga ng shabu ang isang pulis sa mag-live in partner na sina Maria Liza intong at Rey Barte kung saan kasama nila si alyas Kamatayan sa transakyon.
Napansin ni alyas Kamatayan na may mga pulis sa paligid kaya at nagpaputok ito ng baril kung saan napatay ito ng gumanti ang mga pulis.
Nadakip naman ang mag-live in partner habang meron nakatakas ang isa nilang kasabwat na nagsilbing lookout.
Facebook Comments