NANLABAN | Isang myembro ng akyat bahay, patay sa engkwentro sa Taguig City

Taguig City – Patay ang isang miyembro ng akyat-bahay matapos looban ang inuupahang boarding house ng isang pulis sa Lower Bicutan sa Taguig.

Kwento ni PO1 JC Mar Pahitong, lumabas siya sandali ng bahay para mag-ehersisyo pero pagbalik niya ay sira na ang kanyang pintuan at nawawala na ang kanyang 9mm service firearm, pera at cellphone.

Ayon sa Taguig PNP, nakatanggap sila ng tip na may lalaking nagbebenta ng baril sa Barangay South Daang Hari kaya at natunton ang suspek na si Michael Jay Dela Cruz.


Nakipaghabulan pa anila ang suspek sa mga pulis at nagpaputok ng baril.

Pero nabaril ito ng mga pulis sa ulo at dibdib na sanhi ng kaniyang kamatayan.

Nabawi mula sa suspek ang service firearm ng pulis at nakuha dito ang limang sachet ng shabu.

Facebook Comments