NANLABAN | Lalaking nag-amok, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Samar

Samar – Patay ang isang lalaking nag-amok at nanlaban sa mga pulis sa Barangay Pilar, Calbayog City sa Samar.

Ayon sa mga awtoridad, ang suspek ay kinilalanng si Ely Urbano, nasa tamang edad at residente ng nasabing lugar.

Bigla na lang itong nag-amok habang nakasuot ng camouflage at may hawak na dalawang baril at dalawang itak.


Sa inisyal ng ulat ng pulisya, pinagbabaril ng suspek ang rumespondeng mga pulis na dahilan kaya gumanti ang mga ito ng pamamaril.

Tinamaan ang suspek at dinala pa sa hospital pero idineklara ring dead on arrival.

Facebook Comments