General Santos City – Patay ang isang pinaniniwalaang ISIS supporter sa operasyon ng mga pulis sa Barangay Fatima, General Santos City.
Sa ulat, sinsabing nanlaban sa raiding team ang suspek na si Najib Calimba Pundug alias Najib Hussein.
Maliban sa baril na nakuha sa suspek, narekober din sa raid ang flag ng ISIS.
Nabatid na ilang araw din minanmanan ng mga pulis si Najib at nang magkaroon ng pagkakataon ay isinagawa nila ang operasyon.
Facebook Comments