Tagbilaran City – Patay ang isang pulis na dating tauhan ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña sa ikinasang buy-bust operation sa Tagbilaran City sa Bohol.
Nakilala ang nasawi na si SPO1 Adonis Dumpit na isang multi-awarded at kontrobersyal na pulis.
Ikinasa ang operasyon laban kay Dumpit matapos mapag-alaman na protektor ito ng iligal na droga at isa sa mga high-level na tulak ng droga.
Nanlaban si Dumpit sa kanyang mga kabaro kaya at napatay ito kung saan maghahatid pa sana ito ilang “stocks” mula Tagbilaran City.
Nakuha sa pag-iingat ng napatay na pulis ang 15 sachet ng shabu.
Facebook Comments