NANUHOL | Richard Chen, nagtangkang lumabas ng bansa – DOJ

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Vitallano Aguirre na tinangka ng isa sa mga respondents sa kaso ng 6.4 billion pesos shabu shipment na nasabat sa Valenzuela City, na lumabas ng bansa.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Aguirre ay sinubukang makalabas ng bansa ni Richard Chen, ang may-ari ng warehouse kung saan nahuli ang shabu.

Napigilan aniya ito dahil hindi tinaggap ng senior immigration officer ang bribe money na inialok ni Chen para ito ay makatakas.


Sinabi din ni Aguirre na mayroon ding tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na ngayon ay nasa AWOL status na siyang tumutulong kay Chen na makalabas sana ng bansa bago ito maharang.

Ito aniya ay nangyari sa isa sa provincial immigration office at hindi sa Metro Manila.
Sa ngayon naman, aniya ay pinahahanap na niya sa National Bureau of Investigation (NBI) ang nasabing BI official na umano ay kasabwat ni Chen para tangkaing lumabas sa bansa.

Facebook Comments