Nanuhol sa mga operatiba ng PDEA-SES, nahaharap sa kasong paglabag ng corruption of public official

Manila, Philippines – Sasampahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng kasong paglabag sa Article 212 ng Revised Penal Code o Corruption of Public Official ang nanuhol ng 1 million piso sa mga operatiba ng PDEA Special Enforcement Agency (PDEA SES) na sina Engineer Felicisimo Aguilar Ignacio Jr., 54-anyos; at Daniel Valencia Cajape, 32-anyos, barangay kagawad at kapwa residente ng purok 2 barangay Pag-Asa, Dinalupihan, Bataan.

Ang may-ari naman ng condo drug unit na si Dennis Ray Aguilar Thieke ay kakasuhan ng paglabag sa Section 6 o maintainance of drug, sec 8 manufacturing dangerous drug, sec 11 possession, at sec 12 possession of drug paraphernalia.

Ang pitong indibidwal na nakasama sa naaresto ay nahaharap sa kasong paglabag sa sec 7, at kung magpositibo sila sa droga ay posibleng kasuhan ng paglabag sa section 15 o pakikipagsabuwatan sa suspek kay Thieke.


Facebook Comments