Manila, Philippines – Nanumpa na ang mahigit 1,700 na mga bagong abogado sa Philippine International Convention Center (PICC) matapos makapasa sa 2017 BAR Exams.
Sa pangunguna ni Supreme Court Associate Justice Lucas Bersamin na siya ring chairman ng BAR Examination Committee, hinikayat niya ang mga bagong abogado na protektahan ang hudikatura at isulong ang rule of law.
Pero paglilinaw ni Bersamin, hindi ibig sabihin na hindi na maaring batikusin ng mga abogado ang Supreme Court (SC).
Pero ito ay dapat alinsunod anya sa mga itinakdang judicial guidelines para hindi mawala ang pribilehiyo nila sa BAR membership.
Kahapon, nasa 1,724 na mga bagong abogado at mga bagong miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang nanumpa sa PICC.
Facebook Comments